Miyerkules, Setyembre 20, 2017

Tanglad Para Sa Highblood: Paano Ito Ihanda Bilang Gamot Sa Mataas Na Presyon




Kung ikaw ay magtatanong sa mga kakilala mo kung ano ang mabisang halamang gamot para sa mataas na presyon, ang isa sa madalas na i-suggest nila ay tanglad.

Bukod sa bawang, ang tanglad o lemongrass ay naturingan ding effective na gamot para sa highblood kasi ito ay may anti-cholesterol properties. Kumbaga nililinis nito yung mga nakabarang cholesterol sa ugat mo na kung saan dumadaloy yung dugo.

Tama. Hindi lang basta pampabango at pampalasa ng pagkain ang tanglad. Halamang gamot din ito para sa altapresyon. 

Kaya kung ikaw ay may highblood, pwede kang sumubok ng tanglad. Pero paano nga ba ito iprepara?

Tanglad Para Sa Highblood: Paano Ito Iprepara

Madali lamang ihanda ang tanglad para sa highblood. Gagawa ka lang ng tsaa at iinumin mo 'to ng 2x-3x a day.

*Nakuha ko ang prosesong ito sa The Power of Herbal Medicine.  

Ingredients:

1 tali ng dahon ng tanglad
4 na basong tubig
1-2 kutsarang asukal (optional)

Procedure:

1. Gayatin ang mga dahon ng tanglad sa mas maliliit na haba at hugasan ito.
2. Magpakulo ng 4 na basong tubig at ilagay ang mga ginayat na dahon ng tanglad.
3. Pakuluan lamang ito within 3-5 minutes.
4. Salain ito.
5. Pwede mong inumin nang puro ang tsaa na gawa sa tanglad o kaya naman ay pwede kang mag-asukal ng 1-2 kutsara.


Paano Ihanda Ang Halamang Gamot Na Oregano Para Sa Ubo

Ang Halamang Gamot na Oregano ay talagang mabisa sa Ubo

  1. 1. Pumitas ng 15 dahon ng oregano o hanggang sa mapuno ang isang tasa ng dahon. Hindi talbos ng oregano ang pinipitas, kundi yung malalaki nang dahon. Piliin ang mga dahon na walang sira ng mga insekto.
  2. 2. Hugasan ang mga pinitas na dahon.
  3. 3. Ilagay ang mga dahon sa isang takure o anumang pwedeng pagpakuluan. Pagkatapos ay lagyan ito ng 3 tasang tubig.
  4. 4. Pakuluan ang mga dahon sa loob ng 10-15 minutes.
  5. Inumin ang isang tasa ng pinakuluang oregano. Uminom nito 3 beses isang araw. (umaga, tanghali, gabi)
Base sa aking karanasan noong ako ay may ubo, ang lasa ng pinakuluang oregano ay medyo mapait at matabang. Kaya naman ang ginagawa ng nanay ko dati ay pinipigaan niya ng isang kalamansi yung isang tasa ng oregano at nilalagyan niya ng isang teaspoon ng asukal. Sa iba, hinahaluan nila ito ng honey.

Kung nasubukan nyo na ito at gumaling kayo Paki Share na rin ...

Related Seach:

oregano uses
oregano in hindi
oregano spice
oregano dried
oregano in tamil
oregano in telugu
oregano powder
oregano in kannada

Tanglad Para Sa Highblood: Paano Ito Ihanda Bilang Gamot Sa Mataas Na Presyon

Kung ikaw ay magtatanong sa mga kakilala mo kung ano ang mabisang halamang gamot para sa mataas na presyon, ang isa sa madalas na i-sugg...